CLICHE AMP

Hindi ko alam kung anong klaseng trip meron ako pero alam nyo bang pangarap kong gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga nakikipaghiwalay sa kanilang mga kasintahan, habang meron akong boyfriend. Wala lang, alam mo yun. Kasi alam kong di ko sya magagawa kahit kelan kasi di naman ako makikipaghiwalay nang totohanan at sagad sa paalamanan. Chaka syempre, para pang asar. E naknangteteng, yabang yabang kasi. Nangarap ngarap ka, edi ibigay sayo ng langit! ano ka ngayon? Nauulol kasi isang bagay yung sala—-wala narin yung jowa. So gets, magagawa ko na lahat ng cliché na yun sa tamang sitwasyon. Leche diba.

Anyway, isa isahin ko yung nagawa ko na. At gusto ko rin ipaliwanag kasi marami pala akong napagtanto.

UNA. ang pinaka classic. nagpagupit ako. Sabi kasi sa nabasa ko nakakagaan daw ng pakiramdam. Pag di naman gumaan ang pakiramdam ko e may walong pulgada ata naputol sakin. Dagdagan mo pa ng dalwa kasi nagpagupit pa ulit ako. Pero leche, hindi naman nabawasan yung sakit. Kalokohan! Oo nga, gumanda ako lalo, pero masakit parin. Sobrang sakit. (pero ang totoo nito ay ginagawa daw to para makamove on. Kasi daw pag bagong ikaw yung makikita mo sa salamin sa bawat araw ay maapektuhan ang pag iisip mo na magbago rin ang pananaw. Pak ganern. Pero wala akong pake kasi masakit parin. Dapat pala pag nakamove on na, chaka nagpapagupit hahaha feeling naka move on na kasi)

PANGALAWA. Makatulog nang umiiyak. Sabi ko ang arte naman nung ganun. Pero mygashh, ang daming gabi ko tong nagawa. Di yung pilit na iyak a. yung may makikita lang or maalala lang, tas bigla na lang aagos ang luha. Di ko kelangan kumurap para tumulo sila. Aba, nag uunahan pa yun. Ganung kalala. Tapos di ko na maaalala kung ano pang mga inisip ko kasi di ko namalayan nakatulog na pala akong umiiyak.

PANGATLO. I-block sya at mga kaibigan nya. Oo, naknang pating, bitter ang datingan!!!! Pero alam nyo mga bessy, hindi pala yun ganun. Hindi pala binablock yung ex para di na nila tayo makita. Binablock pala sila kasi ayaw natin sila makita. Ayaw natin sila makitang ok, at masaya—-kahit hindi tayo ang kasama. Ayaw nating oras oras bisitahin yung mga account nila para lang saktan ang sarili at umasang di rin sya ok. Pero gets, ok na sya. Ikaw? Edi yan, miserable parin.

Well, tatlo pa lang nagagawa ko. Yung magwala habang nag iinom ay to follow. Balitaan ko kayo.

Ano pa bang ibang ginagawa ng mga taong sawi at iniwan? Maaari kayong mag iwan ng kumento at suhestyon para magawa ko sila. Andito nalang din ako at nalulunod sa kapaitan diba, edi sisirin ko na Lalo, para masaya. Kahit hindi. Kahit masakit. Hayyy. hahaha

 

yanaa

Advertisements

walang hanggan

Gulong gulo ang puso. Saan ba ‘to patungo? Di ko alam. Di ko alam. Hinarap lahat ng balakid Pero bakit walang kapit Ang mga pangakong binitawan? Di ko alam. Di ko alam. Noong ika’y nilalamig, ako’y iyong init. kapag takot sa bukas, ako’ng unang sisilip Ginawa ko na ang lahat Di pa din sapat kasi ika’y mawawala na. Nawalan ng gana ang tadhana. Nanlalamig ‘yong dating nagbabaga. Kung maibabalik lang sana. Titiisin ko na kahit paulit-ulit Tapos pipilitin ko na di maulit Ang masulyapan mo yung dulo Akala ko walang hanggan pero may dulo. Bawat segundo sa aking puso iuukit. Lahat ng alaala aking iguguhit, para makalimutan mong may dulo. Ang sabi mo walang hanggan, pero eto tayo sa dulo. Kailan ka ba napaso? Nanlalamig na ang iyong braso. Bakit ganyan? Bakit ganyan? Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit. Saan galing ang galit? Mayroon bang nang-aakit? Kailangan ko lang malinawan. Bakit ganyan? Bakit ganyan? Handang panindigan lahat ng ating plano. Sigurado kahit di kabisado. Gagawin ko ang lahat. Walang pake kung di sapat Kasi ikaw ay mawawala na. Nawalan ng gana ang tadhana. Nanlalamig iyong dating nagbabaga. Kung maibabalik lang sana. Iindahin ko ang sakit na gumuguhit. Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit Baka masulyapan mo yung dulo. Kasi sabi mo walang hanggan, Ba’t merong dulo? Ibibigay ko ang lahat paulit ulit. Bawat pagkakataon ay aking isusulit, Basta matalikuran mo yung dulo. Ang sabi mo walang hanggan. Ba’t na’ndito tayo sa dulo? Oh Ohhh Sa dulo. Oh oh ohhh ‘Wag ka munang tumalikod. Bumalik ka muna dito. Padampi kahit anino. Ayokong mag-isa dito. Wala na bang bisa aking dalangin? Tinataboy na ba ng langit? Nakikiusap na lang sa hangin, Ngayon wala ka na sa akin. Ohhh Bakit ba biglang meron tayong dulo? Pangako mo walang hanggan. Bakit nandiyan ka sa dulo? Pwede bang kalimutan mong may dulo? Handa ‘ko sa walang hanggan. Pangako mo walang hanggan. Akala ko walang hanggan. Pero eto tayo sa dulo. Kung ika’y mawawala sa aking piling, Dinggin mo aking bilin. Lingon ka lang paminsan minsan. Dito lang ako. Di ako lilisan. Sa aking dulo, di ako lilisan.

isa sa pinaka magandang awit na nahagkan ng aking mga tenga. parang gusto ko nalang magpalamon sa alon ng dugong umaagos mula sa puso kong sumisigaw at humihingi ng tulong, lunas, pahinga. parang gusto ko nalang umiyak, umiyak nang umiyak hanggang maging totoo na ako naman talaga yung sumulat no’n. ako naman talaga. sana ako nalang.

ang sakit sakit pakinggan. sukat na sukat ang bawal pulagada ng aking kaibuturan. ang galing galing.

salamat sa iyong obra, quest.

yanaa

oink

anyare sa tyan ko araw araw yung paglobo. wala naman akong naaalalang kumikinang na bampirang bumuntis saken. huhu

goodbyekiss

seryoso sobrang nakakafrustrate. uuuugh.

e kase naman nakakahiyang humindi sa araw-araw na mga pyestahan diba? hahahaha gayunpaman, magpapasukan na. baka liliit na ulit nang kanya. hahahapls

ps. hi. kumusta? :)

bihag

para akong nagahasa. pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi ko lubos mawari kung ano na ako, nasan nako, ano na. eto ko tila naglalakad sa kawalan- tadtad ng hiwa ng katotohanan, bugbog ang kaloobang hinagupit ng akala, lunod sa sariling luha– ni walang saplot ng katinuan. walang naiwan sakin kundi sakit- ang hapding kahit hindi ko na kaya ay tinatanggap ko pa rin.

 

yanaa

 

 

pano

ang sundalo kahit araw araw may nagaganap na digmaan, susugod at susugod yan. dedepensa hanggang may hanging dumadaloy sa baga nito. makatamo man ng maraming maraming sugat. mabalian man sa lahat ng parte ng katawan. iindahin lahat para sa piniprotektahan at pinaglalabang nasyon.

pero hindi naman ako sundalo. pano

yanaa

aykn

tila mga pison sa pag-usad ang paglalakbay

ng mga patak ng dyamante

mula sa aking durungawan.

bawat kurba ng aking pisngi 

ay nahagkan ng mga bilugang likidong 

sumasariwa ng mga sanang 

hindi na lang nangyari.

isa.

dalawa.

tatlo. apat.

hindi papigil ang paguunahan ng mga ito

sa pagbabalangkas ng aking mukha.

lima. anim. pito.

walang habas na kumakawala sa

piitan ng poot,

kapagalan,

siphayo, 

at pag-aalumpihit.

kahit ang mag-asawang talukap

ay walang magawa.

magpapakalunod nalang ako sa himbing

kaagapay ang mapanuksong panaginip,

magpapalamon sa dilim

at 

magpapagago

sa pangako ng bukas.

 

 

goodnight.

 

 

 

 

 

yanaa